DOH,nilinaw na wala pa silang rekumendasyon para bakunahan kontra Covid-19 ang mga nasa edad 12

Hindi pa inirerekumenda ng Department of Health ang pagbabakuna kontra Covid-19 sa mga nasa edad 12 hanggang 17 anyos.

Paliwanag ni Health Usec Ma Rosario Vergeire, wala pang rekumendasyon ang mga eksperto sa bansa patungkol sa pagtuturok ng Covid-19 vaccine sa mga bata.

Bagamat nabigyan na aniya ng Emergency Use Authorization ng Food and Drug Administration ang Covid-19 vaccines ng Pfizer BioNTech at Moderna para maiturok sa mga nasa edad 12 hanggang 17 anyos, wala pa naman silang go signal para simulan ito.

Giit ni Vergeire, saka na ito pag usapan kapag may stable na supply na ng bakuna sa bansa.

Sa ngayon, prayoridad parin aniya nilang mabakunahan muna ang mga nakatatanda na silang mas vulnerable sa Covid-19.

Madz Moratillo

Please follow and like us: