Mangrove tree planting, isinagawa ng Bataan PNP Maritime group
Nagsagawa ng Mangrove tree planting ang Bataan PNP Maritime Group bilang bahagi ng selebrasyon ng Maritime and Archipelagic National Awareness Month o
“MANA Mo,” na ginanap sa Wetland Barangay Turtogas Balanga City, Bataan.
Kabilang sa nakipagkaisa sa nasabing aktibidad ay ang Bataan DENR Cenro Bagac, mga barangay kagawad at ang grupong Alpha Kappa Rho Volunteers.
Pinangunahan ni Pol. Lt.Vicente Ayaoan, Commander ng Maritime Police Precinct ang nasabing aktibidad sa direct supervision ni Pol. Maj.Leoncio Alcantara, hepe ng Bataan PNP Maritime Group.
Sinabi ni Ayaoan, na umabot sa 50 mangrove seedlings ang kanilang naitanim sa coastal area, nai-primote din ang clean and green sa mga nakatira sa baybaying dagat upang maging tourist spot o atraksiyon sa mga turista, mapangalagaan ang kapaligiram o tirahan ng ibat-ibang species o marine life na nabubuhay sa nasabing coastal area.
Nauna rito ay nagsagawa rin ng coastal clean-up ang Bataan PNP Maritime Group na pinangunahan ni Pol. Maj. Leoncio Alcantara, bilang bahagi pa rin ng selebrasyon ng “MANA Mo.”
Larry Biscocho