Users ng Tik Tok, higit isang bilyon na

Photo: AFP

Apat na taon pa lamang makaraang ilunsad ng Chinese group na ByteDance, higit isang bilyon na ngayon ang active users ng sikat na sikat na video-sharing application na Tik Tok.

Popular na bago pa man magkaroon ng pandemya dahil sa viral choreography nito na naka-set sa pop songs, ang Tik Tok ay lalo pang sumikat nang magkaroon ng lockdowns, isara ang mga eskuwelahan, at gamitin ito sa telecommuting.

Ang video platform ay naragdagan ng higit 300 million users simula July 2020, nang huling magreport ang kompanya sa bilang ng users nito.

Ginawang 3-minutes ng Tik Tok ang time limit sa unang bahagi ng July mula sa dating naka-set na 15-second videos, para makahikayat pa ng mas maraming audience at makipag-kompetensiya sa YouTube.

Tinugon naman ito ng Google subsidiary sa pamamagitan ng paglulunsad ng YouTube Shorts sa higit 100 mga bansa noong mid-July para sa short format segment.

Bagama’t sikat na, ang ByteDance subsidiary na ang equivalent sa China ay tinatawag na Douyin, malayong malayo pa rin ang Tik Tok sa YouTube na mayroon nang 2.3 active users noong 2020.

Pinasok na rin ng social network ang advertising noong nakalipas na taon, at naglunsad ng isang feature sa huling bahagi ng August ngayong taon, kung saan puwede nang direktang bumili ng products ang users sa platform ng content creators.

Please follow and like us: