24 ang namatay at 42 ang nasugatan sa nangyaring kaguluhan sa isang kulungan sa Ecuador
Hindi bababa sa 24 na preso ang namatay habang 42 iba pa ang nasugatan, nang mag-away-away ang mga armadong inmate sa isang kulungan sa Guayaquil, Ecuador.
Ang bilang ng mga nasawi at nasugatan ay kinumpirma ni regional police commander General Fausto Buenano, sa kaniyang post sa Twitter account ng gobyerno ng lalawigan ng Guayas.
Ayon kay Buenano, nang pasukin nila ang prison wing number five kung saan napaulat na nangyari ang kaguluhan, ay natagpuan nila ang bangkay ng mga presong binaril o namatay nang sumabog ang hand grenades.
Ang prison system ng Ecuador ay mayroong nasa 60 pasilidad na nakadisenyo para sa 29,000 preso, subalit overcrowded na ito at kulang sa mga tauhan.
Ang mga presong may kaugnayan sa Mexican drug gangs ang malimit na nasasangkot sa mararahas na kaguluhan sa mga piitan sa Ecuador.
Ang Guayaquil, main port city ng Ecuador ang major jub sa pagbibiyahe ng South American cocaine patungo sa norte, laluna sa Estados Unidos
Ayon sa human rights ombudsman ng Ecuador, nagkaroon na ng 103 insidente ng patayan sa mga piitan noong 2020.
Nitong July 2021 naman, 27 preso ang namatay sa riot sa dalawang kulungan, sanhi para magdeklara ang gobyerno ng isang state of emergency.