Kaso ng COVID-19 sa Olongapo, bumaba na
Masayang ibinalita ni Mayor Lenj Paulino sa mga taga-Olongapo sa pamamagitan ng kanyang Facebook page, ang malaking pagbaba sa kaso ng Covid sa lungsod.
Mahigit tatlong linggo nang napanatili ng Olongapo ang aktibong kaso nito sa 254.
Samantala, may naitalang 29 na bagong gumaling mula sa sakit, 16 ang naitalang bagong kaso, habang wala namang bagong naitalang namatay.
Dahil sa patuloy na nakapagtatala ng maraming bilang ng gumagaling, umabot na ngayon sa 4,813 ang recoveries ng lungsod mula sa 5,350 na kaso mula noong magsimula ang pandemya.
Kaugnay nito, patuloy ang pagsasagawa ng lungsod ng pagbabakuna.
Bukod sa dalawang vaccination sites nito ay mayroon na ring vaccination on wheels na umiikot sa mga barangay, para sa mga nais magpabakuna na hindi makapunta sa mga vaccination site.
Jovili Dumlao