Phu Quoc island, bubuksan na ng Vietnam sa vaccinated tourists sa Nobyembre
Plano ng Vietnam na muli nang buksan ang resort Island ng Phu Quoc, sa mga vaccinated foreign visitors sa huling bahagi ng Nobyembre.
Ipinagmamalaki ng Phu Quoc ang kanilang white-sand beaches at crystal clear waters, maging ang kanilang mga bundok at mga kagubatan.
Noong 2019, ay pinuntahan ito ng nasa 670,000 visitors at kumita ng higit $18 billion mula sa international tourists.
Umaasa ang mga awtoridad na maging isa rin itong tourist mecca gaya ng Phuket sa Thailand o Bali sa Indonesia.
Inihayag ng Vietnam government, na simula sa November 20 ang chartered flights para sa international travellers na may vaccine passports ay papayagan nang pumasok sa isla.
Pagkatapos nito, sa pagitan ng huling bahagi ng Disyembre at katapusan ng March 2022, target ng isla na tumanggap ng 5,000 foreign visitors sa kaparehong chartered flights.
Ayon sa mga kinauukulan, kailangang magpakita ng mga turista ng vaccine certificates kasama ng isang negative Covid-19 test result bago makapasok sa isla.
Dapat din ay galing sila sa mga lugar na may mataas na safety record sa Covid-19 prevention, gaya ng ilang bahagi ng Europe, Middle East, North East Asia, Southeast Asia, North America at Australia. (AFP)