Bagong diplomatic protest ng Pilipinas, dinedma lang ng China
Hindi ulit pinansin ng China ang panibagong diplomatic protests na inihain laban sa kanila ng Pilipinas.
Pahayag ng Beijing, ipagpapatuloy nila ang kanilang “law enforcement activities” sa pinag-aagawang teritoryo sa South China Sea.
Dati nang inireklamo ng Pilipinas ang ginagawang panggigipit ng Chinese vessels sa mga sasakyang pagdagat ng Pilipinas, na nagsasagawa ng maritime patrol sa karagatang sakop ng Pilipinas.
Ayon sa Department of Foreign Affairs, mahigit 200 diplomatic protests ang isinampa nito laban sa China dahil sa “unlawful radio challenges, sounding of sirens, at blowing of horns,” sa mga nagpapatrulyang Philippine vessels, sa bahagi ng West Philippine Sea.
Sa ginanap na press briefing sa Beijing, sinabi ni Chinese Foreign Ministry spokesman Wang Wenbin . . . “China’s position on the South China Sea issue is consistent and clear-cut. It is legitimate and reasonable for China’s maritime law enforcement authorities to conduct law enforcement activities in waters under China’s jurisdiction in accordance with domestic laws and international laws, including the United Nations Convention on the Law of the sea.”
Bukod sa Pilipinas at China, may inaangkin ding teritoryo sa South China Sea ang Viernam, Malaysia, Brunei at Taiwan.