Pfizer COVID-19 vaccine para sa 5-11 year olds, pinayagan na ng US

Binigyan na ng awtorisasyon ng Estados Unidos na gamitin ang Pfizer Covid-19 vaccine para sa mga batang edad 5-11 taon.

Ginawa ang desisyon makaraang payuhan ng isang high-level medical panel ang gobyerno at i-endorso ang nabangit na bakuna sa pagsasabing mas lamang ang benepisyo nito kaysa panganib ng side-effects.

Bago ang US, sinimulan na ring bakunahan ng ilang bansa ang mga kabataan gamit ang iba’t-ibang uri ng bakuna. Kabilang dito ang China, Chile, Cuba at United Arab Emirates.

Ayon kay Food and Drug Administration (FDA) chief Janet Woodcock . . . “As a mother and a physician, I know that parents, caregivers, school staff, and children have been waiting for today’s authorization. Vaccinating younger children against Covid-19 will bring us closer to returning to a sense of normalcy.”

Ang vaccine rollout ay agad na sisimulan, matapos magpulong ang isang panel ng Centers for Disease Control and Prevention (CDC), para magsagawa ng dagdag na pag-uusap tungkol sa clinical recommendations.

Inanunsiyo ng Pfizer at partner nitong BioNTech, na bumili ang US ng 50 milyon pang doses.

Sa isang clinical trial na nilahukan ng higit 2,000 participants, nakitang higit 90 percent na mabisa ang bakuna sa pagpigil ng symptomatic disease.

Ang pagiging ligtas ng bakuna ay pinag-aralan din sa higit 3,000 mga bata, at walang seryosong side-effects na na-detect sa nagpapatuloy na pag-aaral.

Sa 5-11 age group, ang bakuna ay ibibigay ng 2 beses, na ang pagitan ay tatlong linggo at ang dosage ay 10 micrograms lamang o 1/3 ng micrograms na ibinibigay sa older age groups.

Ayon sa CDC, may 8,300 mga batang na-ospital dahil sa Covid na nasa 5-11 ang edad mula nang mag-umpisa ang pandemya habang 146 naman ang namatay.

May mahigit 5,000 pediatric cases din ng multisystem inflammatory syndrome in children (MIS-C), isang hindi pangkaraniwan ngunit lubhang seryosong post-viral complication, kung saan 46 na ang namatay.

Ayon sa health authorities, patuloy pa rin nilang imo-monitor ang “potentially highly rare side-effects” gaya ng myocarditis at pericarditis (pamamaga ng puso at pamamaga sa paligid ng puso). (AFP)

Please follow and like us: