China itinanggi ang anila’y maling ulat ng US sa origin ng COVID-19
Tinuligsa ng China ang isang US intelligence review sa origins ng COVID-19 pandemic, at tinawag itong political and false habang hinimok naman ang US na itigil na ang pag-atake sa kanila.
Ang pagpapabulaan ay ginawa ng Chinese foreign ministry ilang araw matapos ipalabas ng US Office of the Director ng National Intelligence ang isang fuller version ng kanilang findings mula sa 90-araw na pagrepaso na ipinag-utos ni President Joe Biden.
Ayon sa report dahil walang bagong impormasyon, hindi makapagbibigay ng mas mainam na judgement ng intelligence agencies kung ang virus ba ay lumitaw sa pamamagitan ng animal-to-human transmission o isang laboratory leak.
Kailangan din ng kooperasyon ng China para makabuo ng isang conclusive assessment sa origins, bagama’t binigyang-diin na patuloy na hinahadlangan ng China ang isang global investigation.
Sa tinatawag na lab-leak theory, ang virus ay kumalat mula sa isang research facility sa Wuhan, ang central city kung saan unang lumitaw ang sakit. Ang teorya ay namamalanging walang katibayan at paulit-ulit na itinanggi ng China.
Para sa China, ang mga panawagan para sa dagdag na impormasyon ay bunsod na lamang ng pulitika.