US, pormal nang inaprubahan ang Pfizer vaccine para sa edad 5-11
Maaari nang simulan ng US ang pagbabakuna sa mga batang edad 5-11 gamit ang Pfizer-BioNTech Covid vaccine.
Ilang araw matapos bigyan ng awtorisasyon ng Food and Drug Administration, ang bakuna ay inendorso ng Centers for Disease Control and Prevention, na magbibigay-daan naman para mabakunahan na ang hanggang 28 milyong kabataan.
Bago ang desisyon, ay una nang bumili ang gobyerno ng US ng sapat na doses para sa 5-11 age group, at sinimulan na iyong dalhin sa magkabilang panig ng bansa.
Ayon kay US President Joe Biden . . . “Vaccinating young children will allow parents to end months of anxious worrying about their kids, and reduce the extent to which children spread the virus to others. It is a major step forward to our nation in our fight to defeat the virus.”
Ang bakuna ay dalawang beses ibibigay sa mga bata, na tatlong linggo ang magiging pagitan.
In-adjust din ito sa 10 micrograms bawat injection, kumpara sa 30 micrograms para sa older age groups, at para mas madaling makilala ay gagawing orange ang takip ng nito, dahil purple ang takip ng vials na pang matatanda. (AFP)