Pagbabakuna sa dalawang libong OFWs, itinakda ng DOLE
Nakatakdang magsagawa ng isa pang round ng pagbabakuna sa overseas Filipino workers (OFWs) ang Department of Labor and Employment (DOLE).
Ito ay gaganapin bukas (November 10) sa Labor Governance Learning Center (LGLC), DOLE Building sa Intramuros, Maynila.
Sinabi ni Labor Secretary Silvestre “Bebot” Bello III, na nasa 2,000 doses ng AstraZeneca Covid-19 vaccines na donasyon ng gobyerno ng Brunei sa Pilipinas, ang inilaan para sa pagbabakuna sa OFWs na nakatakda nang umalis.
Nagpasalamat naman si Bello sa gobyerno ng Brunei sa ngalan ng gobyerno ng Pilipinas, para sa donasyon ng mga bakuna.
Ang vaccination ay first come, first served basis, subalit bibigyan ng prayoridad ang mga paalis na patungong Brunei.
Ayon pa sa kalihim, inatasan na rin ang mga recruitment agency sa bansa na dalhin sa designated vaccination site ang mga OFW na hindi pa bakunado.
Hiningi ni Bello ang tulong ng Local Health Department ng lungsod ng Maynila, para siyang magturok sa bakuna.