Patuloy na pagbaba ng kaso ng COVID-19 sa bansa , ibinida ni Pangulong Duterte sa taongbayan

Ipinagmalaki ni Pangulong Rodrigo Duterte sa publiko ang patuloy na pagbaba ng kaso ng COVID-19 sa bansa.

Sa kanyang regular weekly Talk to the People sinabi ng Pangulo na unti-unti ng nagagapi ng pamahalaan ang pandemya ng COVID-19.

Ayon sa Pangulo batay sa report ng Department of Health o DOH ang COVID-19 positivity rate sa buong bansa ay bumaba na sa 2.3 percent mula sa dating 3.4 percent ganun din ang mga aktibong kaso ng coronavirus ay nasa 19 na libo mula sa dating 23 libo at ang arawang kaso ay nasa mahigit isang libo na lamang.

Inihayag ng Pangulo dapat mahigpit na sundin parin ng publiko ang ipinatutupad na minimum standard health protocol at magpabakuna upang tuluyan ng mawala ang pandemya ng COVID-19 sa bansa.

Vic Somintac

Please follow and like us: