SC inilatag ang plano para sa mga gagawing reporma sa hudikatura
Magiging crucial na yugto sa kasaysayan ng hudikatura ang susunod na limang taon.
Ito ang inihayag ni Chief Justice Alexander Gesmundo sa paglulunsad ng Justice Sector Reform Programme: Governance in Justice (GOJUST II).
Ang GOJUST II ang ikalawang phase ng reform program na pinupondohan ng European Union.
Ang nasabing inisyatiba ay tatakbo sa loob ng apat na taon o hanggang sa 2024 na may pondong Php1.1 billion.
Susuportahan nito ang mga reform projects ng Justice Sector Coordinating Council (JSCC) na binubuo ng Korte Suprema, DOJ, at DILG.
Ayon kay Gesmundo, ipapanukala niya sa Supreme Court En Banc ang strategic plan na layong i-re-mold at i-transform ang mga korte bilang “consistently efficient and accountable havens” ng mga biktima at mga disadvantaged.
Ilan sa target outcomes ng plano ay ang epektibong monitoring at evaluation ng performances ng mga mahistrado, hukom, at court officials and personnel; transparency at accountability sa court systems at procedures; at ang paglikha ng Information and Communication Technology (ICT) infrastructure sa hudikatura.
Moira Encina