Anim na miembro ng PAG sa Maguindanao, sumuko sa pulisya

Photo by PRO-BARMM (c/o pna.gov.ph)

Tinanggap ng pulisya ang pagsuko ng anim na armadong mga lalaki na kasapi ng isang private armed group (PAG) ng isang lokal na pulitiko sa Maguindanao.

Sa isang pahayag ay sinabi ni Brig. Gen. Eden T. Ugale, director ng Police Regional Office – Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (PRO-BARMM), ang mga sumukong PAG members ay tagasunod ni dating Maguindanao Assemblyman Sidik Ameril, na may dalawa pang PAG na tinutugis ng puisya sa lalawigan.

Ayon kay Ugale . . . “The surrendering PAG of Ameril on Tuesday afternoon has been operating in Barangay Mangay, Talitay, Maguindanao. It has been listed as active PAG as of March 2021.”

Aniya, ang pagsuko ng anim na PAG members ay may maia-ambag sa posibleng payapang pagsasagawa ng halalan sa Maguindanao sa susunod na taon.

Isinuko ng anim kay Ugale ang dalawang M16 rifles, isang M14 rifle, isang Garand rifle, isang improvised sniper rifle, isang improvised shoulder-fired 40mm grenade launcher, at isang 60mm mortar tube.

Aniya . . . “With this surrender, BARMM now has remaining two PAGs that are the focus of PNP anti-crime operations.”

Pinuri rin ng opisyal ang mga nagkaroon ng papel sa pagsuko ng mga gunmen at kanilang matataas na kalibreng mga armas.

Ayon pa kay Ugale . . . “PRO BARMM is determined to bolster its police-community relations and cooperation efforts with other peace stakeholders to put an end to PAGs and convince the two remaining groups to lay down their arms and became peace-loving citizens.”

Please follow and like us: