Germany, magpapatupad ng restriksiyon sa mga hindi pa bakunado para mapigilan ang COVID-19 surge

A sign indicates the so-called 2G rule (vaccinated or recovered from Covid-19) and obligation to wear a face mask at a restaurant in the city of Dortmund, western Germany on December 1, 2021.AFP / Ina FASSBENDER

Magpapataw ang Germany ng malawak na restriksiyon sa mga hindi pa bakunado laban sa Covid-19, upang labanan ang pinakabagong pagdagsa ng mga kaso.

Sa ginanap na pulong ng regional leaders, sinabi ni outgoing Chancellor Angela Merkel na bubuksan lamang ang mga lugar pamilihan at pasyalan sa mga bakunado o gumaling na mula sa sakit, at ito rin ang ipatutupad maging sa non-essential shops.

Nagpahayag din ng pagpabor ang opisyal sa “compulsory vaccinations,” na pagbobotohan na ng parliyamento sa lalong madaling panahon.

Si Merkel, Olaf Scholsz na itinakdang maging kapalit niya at ang mga pinuno ng 16 na estado ay naghigpit ng Covid restrictions dalawang linggo pa lamang ang nakalilipas, ngunit muling nagpulong nitong Huwebes para pag-usapan ang mas mahigpit na mga panuntunan.

Batay sa dokumentong nilagdaan ng mga lider, kabilang sa plano ang isang blanket ban sa pagpasok sa mga venue gaya ng bars, restaurants at cinemas ng mga hindi pa bakunado o nakarekober mula sa Covid.

Lilimitahan din ang bilang ng mga tao na maaari nilang makasalamuha. Bawal din silang dumalo sa malalaking mga pagtitipon na maaaring makaapekto sa mga event gaya ng Bundesliga football matches.

Sinabi ni North Rhine-Westphalia state premier Hendrik Wuest, kabilang din sa napagkasunduan ang pagsasara ng nightclubs sa mga lugar na may lingguhang incidence rate ng lampas sa 350 infections kada 100,000 katao, at bawal din ang fireworks sa bisperas ng bagong taon upang mapigilan ang pagtitipon-tipon ng malaking bilang ng mga tao.

Ayon kay Health Minister Jens Spahn . . . “Germany needed a lockdown, so to speak, for the unvaccinated.”

Sinabi naman ni Merkel na . . . “You can see from the decisions that we have understood the situation is very serious, the measures should be seen as minimum standards and different regions could also impose their own tougher curbs.”

Ang mga naitalang impeksiyon nitong nakalipas na mga linggo ay sumira sa dati nang record ng infections ng Germany, na nagbunsod upang maalarma ang mga ospital kung saan marami ang over capacity na kayat napilitang ipalipat ang mga pasyente sa ibang lugar sa bansa para magamot.

Bagama’t ang seven-day incidence rate ng Germany ay bahagyang bumaba ngayong linggo, nanatili ito sa 439.2 nitong Huwebes na may 73,209 mga bagong kaso na naitala sa nakalipas na 24 oras.

Ayon sa babala ng DIVI intensive care association nitong Miyerkoles . . . “From the point of view of intensive and emergency medicine, the pandemic situation has never been as threatening and serious as it is today.”

Kinansela na ng ilang rehiyon sa Germany na lubhang apektado ng virus ang kanilang holiday markets, at binawalan ang mga hindi pa bakunado sa mga pampublikong lugar gaya ng gyms at leisure facilities upang mapabagal ang pagkalat ng sakit. (AFP)

Please follow and like us: