Reinfections, tatlong ulit na mas malamang sanhi ng Omicron ayon sa South African research
Iminumungkahi ng isang paunang pag-aaral ng mga siyentipiko ng South Africa na nalathala nitong Huwebes, na ang Omicron variant ay tatlong ulit na malamang na maging sanhi ng reinfections kumpara sa Delta o Beta strains.
Ang mga natuklasan, batay sa datos na nakolekta ng sistema ng kalusugan ng bansa, ay nagbibigay ng unang epidemiological evidence tungkol sa kakayahan ng Omicron na iwasan ang immunity sa sakit mula sa naunang impeksyon. Ito ay ini-upload sa isang medical preprint server na hindi pa sumasailalim sa peer-review.
Mayroong 35,670 na pinaghihinalaang reinfections sa kalipunan ng 2.8 milyong indibidwal na may positive tests hanggang Nobyembre 27. Ang mga kaso ay itinuturing na reinfections kung sila ay nagpositibo sa pagitan ng 90 araw.
Batay sa tweet ni Juliet Pulliam, direktor ng South African DSI-NRF Centre of Excellence in Epidemiological Modelling and Analysis . . . “Recent reinfections have occurred in individuals whose primary infections occurred across all three waves, with the most having their primary infection in the Delta wave.”
Nagbabala si Pulliam na ang mga may-akda ay walang impormasyon tungkol sa katayuan ng pagbabakuna ng mga indibidwal, samakatuwid ay hindi nila ma-a-assess ang lawak ng “vaccine-induced immunity” na kayang iwasan ng Omicron. Plano ng mga mananaliksik na pag-aralan ito sa susunod.
Aniya . . . “Data are also urgently needed on disease severity associated with Omicron infection, including in individuals with a history of prior infection.”
Ayon naman kay Michael Head, isang scientist sa University of Southampton . . . “The research is ‘high quality.’ This analysis does look very concerning, with immunity from previous infections being relatively easily bypassed. Might this all still be a ‘false alarm’? That is looking less and less likely.”
Una rito ay hinulaan ng top South African scientist na si Anne von Gottberg, isang eksperto sa National Institute for Communicable Diseases, ang pagtaas ng mga kaso ngunit sinabing inaasahan ng mga awtoridad na ang mga bakuna ay magiging mabisa pa rin laban sa malalang resulta ng bagong variant.
Ayon kay Von Gottberg . . . “We believe the number of cases will increase exponentially in all provinces of the country. We believe that vaccines will still however protect against severe disease. Vaccines have always held out to protect against serious disease, hospitalisations and death.”
Samantala, inulit ng mga eksperto ng WHO ang mga panawagan para muling pag-isipan ang mga pagbabawal sa paglalakbay sa katimugang Africa, dahil napaulat na ang Omicron ngayon ay nasa halos dalawang dosenang bansa na at nanatiling hindi malinaw ang pinagmulan nito.
Sinabi ng isang espesyalista na si Ambrose Talisuna na . . . “South Africa and Botswana detected the variant. We don’t know where the origin of this could have been. To punish people who are just detecting or reporting… is unfair.” (AFP)