Pagpapanagot sa LGUs kaugnay ng pagkasira ng mga bakuna, nasa DOH na -DILG

File photo / pna.gov.ph

Hinihintay pa ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang rekomendasyon ng Department of Health (DOH), sa mga ulat ng pagkasira ng ilang bakuna para sa Covid-19 na inilaan sa local government units (LGUs).

Sinabi ni DILG spokesperson, Undersecretary Jonathan Malaya na kasalukuyang bina-valifate ng DOH at ng National Vaccines Operation Center (NVOC), ang mga paliwanag ng LGUs upang madetermina kung maaari bang papanagutin ang mga ito.

Paliwanag ni Malaya . . . “So aantayin po namin yung  report and recommendation coming from the DOH kasi ang DOH po ang nagbigay ng bakuna sa kanila sa LGUs, at ang DOH ang nagsu-supervise ng ating vaccination program sa mga LGUs.”

Nitong Miyerkoles, sinabi ni National Task Force Against Covid-19 medical adviser Dr. Ted Herbosa, na kailangang ipaliwanag ng ilang LGUs ang pagkasira ng ilang daang AstraZeneca vaccine na nag-expire noong November 30.

Ang mga kinukuwestiyong doses ay bahagi ng 1.5 million AstraZeneca vaccine, na donasyon at idineliver sa Pilipinas sa huling bahagi ng Oktubre.

Ang Negros Occidental ay kabilang sa mga lalawigang nag-ulat ng insidente ng pagkasira ng mga bakuna, kung saan 1,492 vials o 14,920 doses ng AstraZeneca vaccines ang nag-expire noong November 30.

Ayon kay Provincial Administrator Rayfrando Diaz II, nagsumite na sila ng ulat sa Department of Health (DOH)-Western Visayas sa pamamagitan ng regional director na si Adriano Suba-an, na ire-refer naman ito sa national Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID).

Meanwhile, Malaya said the three-day “Bayanihan, Bakunahan” coronavirus disease 2019 (Covid-19) vaccination campaign turned out successful as more people showed up at inoculation sites to avail themselves of the jabs.

Samantala, sinabi ni Malaya na naging matagumpay ang tatlong araw na “Bayanihan, Bakunahan” Covid-19 vaccination campaign, dahil mas maraming tao ang sumulpot sa mga inoculation site upang magpabakuna.

Aniya . . . “Ikanatutuwa namin yung naging success ng ating ‘Bayanihan, Bakunahan’ which happened in the last three days. Napakaganda po ng naging accomplishment ng ating local government units (LGUs).”

Dahil sa tagumpay ng “National Vaccination Days”, sinabi ni Malaya na kailangan naman ngayong harapin ng gobyerno ang magiging mga problema sa pag-e-encode ng data, dahil sa napakalaking turnout ng mga indibidwal na nabakunahan.

Sa kabilang dako, umapela si Malaya sa mga kinauukulan na magkaloob ng sapat na resources at personnel upang makaagapay sa kakulangan ng encoder, na maga-upload sa data ng mga naragdag na nabakunahan sa Vaxcert (vaccine certification) portal at sa VaxCert.ph digital certification.

Ayon sa DOH, ang Pilipinas sa ngayon ay nasa rank No. 4 na sa mga bansa sa buong mundo, na may pinakamataas na bilang ng naibigay na bakuna sa loob ng isang araw, matapos makapagbakuna ng 2.7 million doses noong November 29.

Ang Pilipinas ay sumunod sa China na nakapagbigay na ng 22 million, India na nakapagbigay na ng 10 million, 3.48 million doses ng Estados Unidos at 2.6 million doses ng Brazil.

Please follow and like us: