3 pasaherong dumating sa bansa mula South Africa, Burkina Faso at Egypt, nagpositibo sa Covid-19
Tatlong pasahero mula sa mga lugar sa Africa na dumating sa bansa ang nagpositibo sa Covid- 19.
Ayon kay Health Usec. Ma Rosario Vergeire, ang isa rito ay mula sa South Africa, ang isa ay mula sa Egypt at isa mula sa Burkina Faso.
Health Usec Ma Rosario Vergeire:
“Merong dumating 253 from SA from Nov 15-29, may 3 galing Burkina Faso and merong 541 from Egypt. Each of these countries nagkaroon ng isang traveler who tested positive for Covid- 19. 1 out of 253 from South Africa. 1 out of 541 from Egypt at 1 out of 3 from Burkina Faso”.
Ayon kay Vergeire, titingnan naman nila kung puwedeng isalang sa Genome Sequencing ang mga ito.
“Lahat po ‘yan ng nagpositive na yan, as long as CT values are appropriate, ipapadala po natin sa Philippine Genome Center for whole genome sequencing“.
Ang South Africa ay binabantayan dahil dito unang nakita ang Omicron variant ng Covid-19.
Sa datos ng DOH, may 35 bansa na ang nakitaan ng Omicron variant pero hindi kasama rito ang Egypt at Burkina Faso.
Madz Moratillo