Mga pupunta sa UK, kailangang magpakita ng pre-departure virus tests
Inanunsiyo ng UK government, ang mga biyaherong magtutungo sa kanilang lugar ay kailangang magpakita ng isang pre-departure negative coronavirus ngayong muli itong nagpatupad ng Covid-19 restrictions dahil sa Omicron variant.
Simula ngayong Martes, sinumang bibiyahe patungo sa UK ay kailangang magpakita ng ebidensiya ng isang negative lateral flow o PCR test na kinuha sa loob ng nakalipas na 48 oras bago sumakay sa eroplano.
Aplikable ito sa mga biyaherong edad dose mula sa alinmang bansa. Sa kasalukuyan, ang mga biyahero ay kailangang kumuha ng PCR test sa loob ng dalawa araw makaraang dumating sa UK.
Una nang nagpatupad ang UK ng ban sa biyaheng mula sa South Africa at inilagay sa red list ang sampung mga bansa sa Africa, ibig sabihin UK at Irish citizens lamang o UK residents ang maaaring bumiyahe mula doon patungong UK. Ang Nigeria ay isinama na rin sa talaan simula ngayong Lunes.
Sa England ay muling ginawang mandatory ang pagsusuot ng face mask sa mga pamilihan at public transport, bilang tugon sa bagong variant habang pinalawig pa ng UK ang kanilang booster program para lahat ng adults ay maging eligible.
Samantala, ang muling pagpapatupad ng compulsory pre-departure testing ay ikinagalit ng mga nasa travel industry.
Ayon sa Business Travel Association . . . “The measure would be a hammer blow.” Habang sinabi naman ng Airport Operators Association na . . . “Pre-departure tests are a devastating blow, as they deter people from travelling”.
Ani Justice Secretary Dominic Raab . . . “I knew the new measure was a burden for the travel industry but UK needed to act. We’ve got to take the measures targeted forensically to stop the new variant seeding in this country to create a bigger problem.”
Nangako ang gobyerno na gagawa pa ito ng kinakailangang mga hakbang kung kinakailangan upang mapigilan ang virus at ang bagong variant.
Nagbabala naman ang mga eksperto na ang travel bans at restrictions ay hindi makapipigil sa pagkalat ng bagong variant.
Ayon kay Mark Woolhouse, isang government science advisor at professor ng infectious disease epidemiology . . . “The latest measures may be a case of shutting the stable door after the horse has bolted. I think it’s too late to make a material difference to the course of the Omicron wave, if we’re going to have one.”
Binanggit nito na malinaw na mayroon nang community transmission, kung saan 246 Omicron cases na ang nakumpirma sa UK.
Sinabi naman ng Statistician na si David Spiegelhalter, isang University of Cambridge professor na co-author ng isang history ng pandemya na . . . “Ttravel restrictions at the moment are only going to slow things up a little bit.. but they’re not going to stop it (Omicron) and it’s going to come in.” (AFP)