Biosurveillance at genome sequencing sa bansa, ipabubusisi ni Senador Angara
Nais ipabusisi ni Senador Sonny Angara ang estado ng biosurveillance at genome sequencing sa bansa.
Sa harap ito ng mga banta ng Omicron virus sa Pilipinas.
Naghain na si Angara ng Senate resolution 759 na layong busisiin at mapaangat ang kapabilidad ng bansa sa pagsasagawa ng genome sequencing at biosurveillance para mabilis na makaresponde sa mga banta sa kalusugan at mga bagong variant ng virus.
Ayon kay Angara masyadong mabagal ang Pilipinas sa pagsusuri sa mga posibleng nakapasok na virus.
Katunayan , aabot lang sa 750 ang nakokolektang sample kada linggo halos katumbas lang ng one percent ng mga naitatalang kaso nationwide mas mababa sa ideal sequencing rate .
Maraming bansa rin aniya ang nagreport ng kaso ng Omicron variant virus pero ang Pilipinas patuloy pa ang imbestigasyon.
Ang Omicron variant aniya ay itinuturing ng ibang bansa na variant of concern at dapat ganito rin ang maging pagtrato ng Pilipinas .
Kailangan aniyang mabilis na matukoy kung may Omicron variant na para makapagpatupad ng extra precaution ang gobyerno.
Meanne Corvera