Brazil, hindi manghihingi ng vaccination certificate sa foreign travelers
Inanunsiyo ng Brazil na hindi sila manghihingi ng Covid-19 vaccination certificate sa foreign travelers na darating sa kanilang bansa, sa kabila ng rekomendasyon ng national health regulator na gawin itong requirement.
Ang hakbang ay ginawa matapos ikumpara ni President Jair Bolsonaro ang mandato sa tali o “leash” para sa mga hayop.
Ayon kay Health Minister Marcelo Queiroga . . . “People cannot be discriminated between vaccinated and unvaccinated to impose restrictions.”
Gayunman, sinabi ni Queiroga na dahil hindi pa batid ang tiyak na katangian ng Omicron variant kaya magpapatupad pa rin ang Brazil ng “limang araw na quarantine” para sa mga biyaherong hindi pa bakunado, na rekomendado ng Anvisa, ang health regulator ng bansa.
Aniya . . . “After that period, and with a negative PCR test, foreigners traveling to the country as tourists can take advantage of the beauties of our great Brazil. Until now, the only requirement had been to present a negative PCR test. Sometimes it is better to lose your life than to lose your freedom.”
Bago ang anunsiyo, tinanggihan ng hindi pa rin bakunadong si Bolsonaro, ang kahilingan ng Anvisa na hingan ng ng health passport ang foreign travelers.
Ayon sa dating army officer . . . “We asked, why the health passport? What is that leash that they want to put on the Brazilian people? Where is our freedom? I would rather die than lose my freedom.”
Higit 615 libo na ang namatay sa Brazil dahil sa Covid mula nang magsimula ang pandemya. (AFP)