Omicron, mas mabilis kumalat at pinahihina ang bisa ng mga bakuna laban sa Covid-19

Inihayag ng World Health Organization (WHO), na ang Omicron variant ung Covid-19 ay mas nakahahawa kaysa Delta at binabawasan ang bisa ng mga bakuna, ngunit hindi masyadong malala ang dulot na sintomas batay sa mga naunang datos.

Ayon sa WHO, ang Omicron ay kumalat na sa 63 mga bansa hanggang noong December 9 kung saan mas mabilis ang naging pagkalat nito sa South Africa at sa Britanya.

Sinabi ng WHO, na iminumungkahi ng mga naunang ebidensya na pinahihina ng Omicron ang bisa ng mga bakuna laban sa pagkahawa at impeksyon.

Dagdag pa nito . . . “Given the current available data, it is likely that Omicton will outpace the Delta variant where community transmission occurs.”

Sa ngayon ang Omicron ay nagdudulot ng “mild” illness o asymptomatic cases, gayunman ayon sa WHO hindi pa sapat ang datos para matiyak ang clinical severity ng bagong variant.

Ang Omicron ay iniulat ng South Africa sa WHO noong November 24. Sinabi naman ng vaccine manufacturers Pfizer/BioNTech noong nakaraang linggo, na ang 3 doses ng kanilanf bakuna ay epektibo pa rin laban sa Omicron. (AFP)

Please follow and like us: