P2.2M halaga ng distance learning equipment, natanggap ng CDO e-Skwela Center mula sa US gov’t

Nagbigay ang gobyerno ng US sa pamamagitan ng USAID ng Php2.2 milyong halaga ng distance learning equipment para suportahan ang Alternative Learning System (ALS) e-Skwela Center ng Cagayan de Oro.

Ayon sa US Embassy, kasama sa donasyon ay 50 desktop computers, webcams, headphones, wireless routers, at iba pang distance learning materials sa ALS.

Courtesy: US Embassy

Si USAID Philippines Acting Mission Director Sean Callahan ang nag-turnover ng equipment sa isang virtual ceremony sa mga opisyal ng Department of Education at CDO.

Ang Cagayan de Oro e-Skwela Center ay isa sa limang centers na sinusuportahan ng USAID.

Ang ibang centers ay matatagpuan sa Legazpi City, General Santos City, Angeles City, at Davao City.

Kabuuang Php12million ang halaga ng package ng USAID support sa mga centers.

Sa pamamagitan ng Opportunity 2.0 program, nasuportahan ang pagpapatuloy ng DepEd ALS at COVID-19 response plan na nakatulong para mapanumbalik ang access sa edukasyon para sa vulnerable out-of-school youth.
 
Tinatayang mahigit 16,000 out-of-school youth ang nakinabang sa mga bagong modules.

Moira Encina

Please follow and like us: