Japanese space tourists, bumalik na sa mundo matapos ang 12 araw sa ISS
Isang Japanese billionaire ang nakabalik na sa mundo ngayong Lunes, pagkatapos manatili ng 12 araw sa International Space Station (ISS), kung saan gumawa siya ng mga video tungkol sa pandaigdig na gawain sa kalawakan gaya ng pagsisipilyo at pagpunta sa banyo.
Ang online fashion tycoon na si Yusaku Maezawa at ang kanyang assistant na si Yozo Hirano, na sasamahan ng Russian cosmonaut na si Alexander Misurkin pabalik sa mundo, ay nakatakdang mag-parachute papunta sa steppe ng Kazakhstan sa 0313 GMT Lunes (11:13 ng umaga sa Pilipinas)
Ang kanilang paglalakbay ang magiging tanda ng pagbabalik ng Russia sa space tourism.
Si Maezawa, Hirano at Mizurkin, ay gumugol ng 12 araw sa orbiting laboratory, kung saan ang mga turistang Hapones ay nagdokumento ng kanilang pang-araw-araw na buhay sakay ng ISS para sa sikat na channel sa YouTube ni Maezawa.
Para sa kaniyang isang milyong followers sa YouTube, ipinaliwanag ng 46-anyos na bilyonaryo kung paano magsepilyo ng ngipin at gumamit ng banyo sa kalawakan.
May mga videos kung saan ipinapakita nito ang tamang pag-inom ng tsa’a at matulog sa zero gravity.
Nang ang tatlong space travellers ay dumating sa ISS noong December 8, ay nakasama nila ang grupo ng pitong crew nagsasagawa ng space biology at physics research.
Plano ni Maezawa na magsama ng walo katao sa kaniyang 2023 mission sa paligid ng buwan, lulan ng Space X ni Elon Musk.
Siya at ang kaniyang assistant ang unang pribadong Japanese citizens na nakabisita sa kalawakan, pagkatapos ng journalist na si Toyohiro Akiyama na bumiyahe sa Mir station noong 1990.
Ang kanilang pagbabalik mula sa kalawakan ang katapusan ng taon na nakita ng marami bilang isang turning point para sa pribadong paglalakbay sa kalawakan.
Billionaires Musk, Jeff Bezos and Richard Branson all made breakthrough commercial tourism flights this year, bursting into a market Russia is keen to defend.
Ang mga bilyonaryong sina Musk, Jeff Bezos at Richard Branson ay gumawa ng pambihirang tagumpay sa commercial tourism flights ngayong taon, na pumutok sa merkadong nais depensahan ng Russia.
Ang Russia ay mayroong kasaysayan ng pagpapadala ng self-funded tourists sa kalawakan.
Sa pakikipag-partner sa US-based company na Space Adventures, ang Russian space agency na Roscosmos ay una nang nakapagdala na ng pitong turista sa ISS simula 2001, isa sa mga ito ay nakadalawang ulit pa.
Ang huli ay ang co-founder ng Cirque du Soleil ng Canada na si Guy Laliberte noong 2009, na tinawag na “first clown in space.”
Noong Oktubre, inilunsad ng Russia ang kauna-unahang untrained cosmonauts sa kalawakan matapos ang paglalakbay ni Laliberte, na naghatid ng isang artistang Ruso at isang direktor sa ISS, kung saan kumuha sila ng mga eksena para sa unang pelikula sa orbit.
Huminto ang Moscow sa pagpapadala ng mga turista sa kalawakan matapos iretiro ng NASA ang Space Shuttle nito noong 2011, kaya’t sinolo ng Russia ang pagsu-supply sa ISS.
Binili ng NASA ang lahat ng Soyuz launch seats para sa napaulat na $90 million (80 million euro) per spot — na tumapos sa tourist flights ng Russia.
Nabago ito noong nakaraang taon, nang matagumpay na maipadala ng SpaceX ang una nilang astronauts sa ISS.
Nagsimulang bumili ang NASA ng mga flight mula sa SpaceX, at inalis ang monopolyo ng Russia.
Bagama’t ang halaga ng mga tiket para sa mga turista ay hindi ibinunyag, nagbigay ng indikasyon ang Space Adventures na ito ay nasa pagitan ng $50-60 million.
Plano ng Roscosmos na ituloy ang pagapalago sa kanilang space tourism business, kung saan dalawang Soyuz rockets na ang naka-komisyon para sa nabanggit na mga trip. (AFP)