DOH,kumpiyansa na maaabot ang 54 milyong target na fully vaccinated sa bansa ngayong taon
Hindi parin nawawalan ng pag-asa ang Department of Health na maaabot nila ang target na 54 milyong fully vaccinated kontra COVID-19 bago matapos ang taon
Ayon kay Health Usec. Ma. Rosario Vergeire, ginagawa ng gobyerno ang lahat ng kanilang makakaya upang mapabilis ang pagbabakuna at mapataas ang vaccination rate sa bansa.
Pero aminado ang opisyal na may mga hamon silang kinakaharap sa COVID-19 vaccination.
Gaya nalang ng katatapos na Bagyong Odette na hindi naman inaasahang mangyayari.
Pagtiyak ng opisyal, tuloy parin ang bakunahan kontra COVID-19 sa mga naapektuhang lugar sa oras na maayos na ang sitwasyon.
Sa pinakahuling datos mula sa National COVID-19 vaccination dashboard, may 43.5 milyong indibidwal na ang fully vaccinated sa bansa.
May mahigit 56.2 milyon naman ang nakatanggap na ng unang dose ng bakuna kontra COVID-19 habang may higit 1.1 million ang nabigyan na ng booster shot.
Madz Moratillo