Mga bansang nagpahayag ng pagtulong sa mga nasalanta ng Bagyong Odette, pinasalamatan ng Malakanyang
Nagpaabot ng pasasalamat ang Malakanyang sa international community na nagpahayag ng kahandaan na tumulong sa mga naging biktima ng bagyong Odette sa Visayas at Mindanao.
Sinabi ni Presidential Spokesman Secretary Karlo Alexi Nograles na malaking tulong sa pamahalaan ang ibibigay na aid ng mga bansang kaibigan ng Pilipinas.
Ayon kay Nograles bago pa man manalasa ang bagyong Odette ay nagpahayag na ng kahandaang tumulong ang Nunited Nations Childrens Emergency Fund o UNECEF ganun din ang China, Taiwan, Japan, United Kingdom, Canada at European Union.
Pinasalamatan din ng Malakanyang ang mga ibat-ibang Organisasyon sa loob ng bansa na nagbigay din ng kanilang tulong sa mga nasalata ng bagyong Odette.
Inihayag ni Nograles dahil sa diwa ng Bayanihan ay muling naipakita ng mga Pilipino ang pagtutulungan lalo na sa panahon ng kagipitan.
Vic Somintac