Mataas na case disposition rates at iba pang target ng DOJ, nakamit ngayong 2021–Guevarra

Ipinagmalaki ni Justice Secretary Menardo Guevarra na nakamit ng DOJ ang karamihan sa mga target nito ngayong 2021 sa kabila ng mga hamon dala ng pandemya

Isa na aniya rito ang mataas na case disposition rates na nangangahulugan na nabawasan ang case backlogs sa kagawaran.

Ayon pa sa kalihim, nagpatuloy ang mataas na level ng performance ng DOJ sa paglaban sa human trafficking makaraang mapanatili ang Tier 1 ranking ng bansa at sa children’s protection.

Naging aktibo rin aniya ang departamento sa mga gampanin nito sa mga inter-agency gaya sa Anti- Terrorism Council, IATF, Inter Agency Council Against Trafficking at iba pa.

Inihayag pa ni Guevarra na napanumbalik ang tiwala ng publiko sa DOJ.

Ito ay makaraang mag-number 1 ang kagawaran sa trust rating noong Hulyo sa hanay ng executive department batay sa independent survey sa NCR.

Tiwala si Guevarra na sa 2022 ay mas magiging efficient at produktibo pa ang DOJ dahil na rin inaasahan na magiging under control na ang pandemya at mababakunahan ang 80% ng populasyon laban sa COVID-19.

Moira Encina

Please follow and like us: