Religious activities ng simbahang katolika , pinatitigil muna ni Pangulong Duterte dahil sa paglobo ng COVID – 19
Umapela si Pangulong Rodrigo Duterte sa pamunuan ng simbahan katolika na itigil na muna ang nakatakdang religious activities ngayong buwan ng Enero dahil sa biglang pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa lalo na sa Metro Manila na ngayon ay nasa Alert Level 3 na.
Sa Talk to the People ng Pangulo sinabi nito na kung maari ay kanselahin na muna ang lahat ng pisikal na mga pagtitipon pati na ang prusisyon ng itim na Nazareno sa simbahan ng Quiapo na isinasagawa tuwing ika-9 ng Enero.
Umaasa ang Pangulo na maiintindihan siya ng simbahang katolika sa kanyang pakiusap.
Niliwanag ng Pangulo ayaw ng gobyerno na mag-utos ng ano man tungkol sa aktibidad ng relihiyon bagkus ay idinadaan sa pakiusap.
Vic Somintac