DOT , sinuspinde ang accreditation ng Berjaya Makati Hotel bilang multiple-use hotel
Sinuspinde na ng Department of tourism ang Accreditation ng Berjaya Makati Hotel bilang multiple-use hotel.
Kasunod ito ng kaso ng paglabag sa quarantine protocol ng poblacion girl na si Gwyneth Chua na nakalabas ng hotel na dapat ay nasa quarantine.
Maliban sa suspensyon , pinagmumulta rin ang hotel nang doble o katumbas ng kanilang pinakamahal na hotel room.
Ayon sa DOT,naisilbi na ang suspension order laban sa hotel na maari naman nilang iapela sa loob ng labinlimang araw.
Naipadala na rin ang kopya ng desisyon sa DOH , Bureau of Quarantine , one stop shop management of Returning Overseas Filipino of the Department of Transportation -Office of Transportation Security, DILG,DOLE at Makati LGU.
Nauna nang inamin ng Berjaya hotel na nakalabas si Chua habang nakaquarantine.
Batay sa kanilang CCTV footage , lumabas si Chua sa hotel labinlimang minuto matapos itong mag check in nitong December 2022.
Naka book ito sa hotel para sa limang araw na mandatory quarantine hanggang December 27.
Pero December 23 nakita pa ito na kumain sa isang restaurant sa Makati at alas 9 na ng December 25 ito inihatid ng magulang sa hotel.
Gabi ng December 25 ito sumailalim sa RT PCR test kung saan positive ang resulta kinabukasan.
Sa naunang imbestigasyon ng PNP CIDG dahil sa pagtakas sa quarantine si Chua ay nakapanghawa ng virus sa sampu katao.
Sa kanilang sulat sa DOT nitong December 29, humingi ng paumanhin ang Berjaya Hotel at tiniyak na magpapatupad ng mas mahigpit na protocols.
Meanne Corvera