12 million sa Zhengzhou isasailalim ng China sa testing
Inatasan ng siyudad ng Zhengzhou ang 12 milyong residente na sumailalim sa Covid-19 test ngayong Miyerkoles, makaraang maka-detect ng ilang bilang ng mga kaso, sa pagsisikap na mapigilan ang virus clusters bago ang Winter Olympics.
Ayon sa gobyernong panglungsod, lahat ng nasa Zhengzhou na isinailalim sa partial lockdown ay dapat ma ma-test upang lubusang mabatid kung sino-sino ang mga na-infect na.
Ang Zhengzhou ay naka-detect ng 11 kaso sa mga nakalipas na araw.
Ang mass-testing order ay ipinalabas habang ang mga kaso sa locked-down city ng Xi’an ay bumaba na sa pinakamababa nito sa nakalipas na mga linggo, kung saan sinabi ng mga opisyal na nakontrol na nila ang outbreak.
Ayon kay Ma Guanghui, deputy director ng Shaanxi province health commission . . . “Although the case number has been high for many days, the rapid rise in Covid spread at community level has been brought under control compared with the early stages of the outbreak. The epidemic is showing a downward trend.”
Ang Zhengzhou outbreak ay maliit kung ikukumpara sa iba, ngunit hindi nagpapakakampante ang mga opisyal.
Sa ulat ng state media, nasa 500 close contact ang na-trace mula sa dalawang symptomatic cases ng outbreak, na may kaugnayan sa mahjong rooms at family gatherings.
Walong residential community din ang ini-lockdown.
Noong Lunes, isang milyong katao sa Yuzhou city na nasa lalawigang kinaroroonan din ng Zhangzhou, ang isinailalim sa stay-at-home orders matapos madiskubre ang tatlong asymptomatic cases.
Ang China ang magho-host sa Winter Olympics na magsisimula sa February 4.
Lahat ng mga atleta, mga opisyal, staff at volunteers ay mananatili sa loob ng isang “closed loop” sa buong panahon ng mga palaro.