Comelec naglabas ng tentative list ng mga kandidato para sa May elections
Nabawasan ang ilan sa mga pangalang nakasama sa tentative list ng mga kandidato na inilabas ng Commission on Elections kaugnay ng halalan sa Mayo.
Sa naunang listahan na inilabas ng Comelec nitong Disyembre, may 15 pangalan ang kasama sa listahan ng presidential candidates.
Pero sa updated na listahang inilabas ngayon ng poll body, 11 nalang ang mga kandidato sa pagka Pangulo.
Ito ay sina: Ernie Abella, Gerald Arcega, Leody de Guzman, Isko Moreno Domagoso, Norberto Gonzales, Ping Lacson, Faisal Mangondato, Bongbong Marcos, Jose Montemayor Jr., Manny Pacman Pacquiao at Leni Robredo.
Wala na rin sa listahan ng mga kandidato sa pagka Pangulo si Maria Aurora Marcos na una ng idineklara ng nuisance candidate ng Comelec.
Nanatili namang 9 ang pangalan ng mga kandidato para sa pagka bise presidente na nakasama sa listahan ng Comelec.
Ito ay sina: Lito Atienza, Walden Bello, Rizalito David, Sara Duterte, Manny Lopez, Doc Willie Ong, Kiko Pangilinan, Carlos Serapio, at Vicente Tito Sotto.
Sa listahan naman ng mga kandidato sa pagka Senador, mula sa dating 70 pangalan ay 64 na lamang ito ngayon.
Bukas target ng Comelec na mailabas ang pinal na listahan ng mga kandidato para sa May 2022 elections.
Target ng poll body na masimulan na ngayong buwan ang pag imprenta ng mga balota na gagamitin sa halalan.
Madz Moratillo