Karagdagan hospital facilities naiturn over na ng DPWH para makatulong sa COVID-19 response
Sa gitna ng patuloy na pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 sa bansa, puspusan rin ang Department of Health sa pagtulong para matiyak na matutugnan ang pangangailangan sa karagdagan hospital facilities.
Ayon kay DPWH Secretary Roger Mercado, kabuuang 178 beds ang nadagdag ngayon sa East Avenue Medical Center at National Kidney and Transplant Institute sa Quezon City at National Center for Mental Health sa Mandaluyong City.
Picture Courtesy of DPWH
Kabilang rito ang nakumpleto ng dormitory facility sa EAMC, Na magsusilbing pansamantalang living quarters ng mga medical frontliner ng nasabing pagamutan.
Nakumpleto na rin at naiturn over ang 16-bed hospital facility na gawa sa converted container vans sa NKTI.
Picture Courtesy of DPWH
Mayroon rin umano itong mga healthcare amenities at 2 stations para sa mga doktor at nurse.
Sa Mandaluyong City naman, naiturn over na rin sa Department of Health mega modular hospital facilities for emerging infectious diseases na nasa NCMH compound.
Mayroon itong 5 cluster units ng modular hospital kung saan bawat isa ay may tig- 22 rooms at 1 modular intensive care unit building na may 20 beds.
Madz Moratillo