Pilipinas kabilang sa 105 bansa na makakukuha ng mas murang Merck COVID-19 pill
Inanunsiyo nitong Huwebes ng isang UN-backed organization, na gagawa ang mga generic drug manufacturer ng mas murang bersiyon ng anti-COVID pill ng Merck para sa 105 mahihirap na mga bansa.
Lumagda ng kasunduan ang global Medicines Patent Poll (MPP) kasama ng 27 manufacturers para gumawa ng antiviral medicine na molnupiravir, para i-supply sa low-and-middle-income countries (LMICs).
Ayon kay MPP executive director Charles Gore . . . “This is a critical step toward ensuring global access to an urgently needed COVID-19 treatment and we are confident that…the anticipated treatments will be rapidly available in LMICs.”
Binigyan ng lisensiya ng Merck ang MPP sa isang kasunduang inanunsiyo noong Oktubre.
Ang MPP naman ay nag-isyu ng sub-licenses sa generic drug makers sa kasunduang inanunsiyo nitong Huwebes.
Sa pamamagitan ng sub-licenses, ang manufacturers ay maaari nang mag-produce ng molnupiravir at/o raw ingredients para rito.
Ang mga kompanyang kabilang dito ay nasa magkabilang panig ng Bangladesh, China, Egypt, Jordan, India, Indonesia, Kenya, Pakistan, South Africa, South Korea at Vietnam.
Limang manufacturers ang magpo-pokus sa paggawa ng raw ingredients, 13 naman ang gagawa kapwa ng molnupiravir at raw ingredients para rito, habang gagawa lamang ng molnupiravir ang siyam.
Noong Disyembre, pinayagan ng US Food and Drug Administration regulator na gamitin ang molnupiravir para sa high-risk adults, isang araw matapos payagan ang isang katulad nguni’t mas epektibong gamot na gawa ng Pfizer.
Ang antivirals gaya ng molnupiravir at Paxlovid ng Pfizer ay tumutulong sa pagpapahina sa abilidad ng virus na magparami, na magiging daan naman para bumagal ang progreso ng sakit.
Samantala, hindi tatanggap ng sales royalties ang mga lumikha sa molnupiravir habang ang COVID-19 ay namamalaging classified ng World Health Organization (WHO), bilang isang public health emergency of international concern (PHEIC).
Ang PHEIC ang pinakamataas na alarmang maaaring ibigay ng WHO at nitong nakalipas na linggo ay muling kinumpirma ng emergency committee ng organisasyon, ang top-alert status ng pandemya.
Kapag natapos na ang PHEIC, ang royalties ay magiging 5% ng net sales para sa public sector purchases, at 10% naman ng net sales para sa commercial entities.
Ang 105 mga bansang saklaw ay kinabibilangan ng ilan sa pinakamatataong bansa sa mundo gaya ng India, Indonesia, Pakistan, Nigeria, Bangladesh, Ethiopia, Pilipinas at Egypt.
Ang Geneva-based MPP ay isang United Nations backed international organization na ang trabaho ay mag-facilitate sa development ng mga medisina para sa low-and middle-income nations.