Hindi lahat ng batang edad 5-11 sa Sweden ay babakunahan
Inihayag ng mga awtoridad sa Sweden na hindi nila irerekomendang bakunahan ng Covid-19 vaccines ang lahat ng batang nasa edad 5-11.
Ang inirerekomenda nito ay ang pagbabakuna para lamang sa mga batang nasa “at risk” category.
Ayon kay Britta Bjorklund ng Public Health Agency . . . “The vaccines are safe, there are very good vaccines but we are now focusing on the medical benefits of the individual child and we don’t see that the benefits are great enough for us to recommend for the whole group. We don’t see that we want to vaccinate a whole group of children for the sake of society. We want to see a clear benefit for the children themselves and the induvidual child so that’s why we don’t recommend it at the moment.”
Gayunman, sinabi ng mga awtoridad na maaaring ire-assess ang desisyon kung magkakaroon ng pagbabago sa health situation.
Bagama’t pinili ng Sweden na hindi magpatupad ng mga lockdown sa unang bahagi ng pandemya, ipinagbawal naman nito ang pagbisita sa elderly care homes, nilimitahan ang bilang ng mga taong maaaring dumalo sa public gatherings at hinigpitan ang opening hours sa mga bar at restaurants.
Gaya sa ibang mga bansa sa Europa, ang lubhang nakahahawang Omicron variant ang naging daan ng pagbugso ng mga bagong kaso sa Sweden, kung saan higit 50,000 mga kaso ang naitala nito lamang Miyerkoles.