Mga baranggay healthcare workers makakatanggap rin ng Special Risk Allowance batay sa pinagtibay na panukala ng Senado
Mabibigyan na ng rin ng Mandatory COVID-19 benefits at iba pang allowances ang mga baranggay health care workers habang may nararanasang pandemya.
Ito ang tiniyak ni Senador Sonny Angara na Chairman ng Senate Committee on Finance matapos pinal na pagtibayin ng Senado ang Senate bill 2421 o COVID-19 Benefits and allowances for health workers act of 2022.
Sa panukala bibigyan ng Special Risk Allowance ang mga mga healthcare workers na nasa public at private health institutions batay sa banta ng panganib sa kanilang working area.
Kasama aniya sa mabibigyan ng benepisyong ito ang mga baranggay healthcare workers na nakalista sa registry ng DOH, nakatalaga sa mga swabbing at vaccination sites at nasa COVID-19 emergency response team.
Bukod sa mga healthcare workers bibigyan rin ng kaparehong benepisyo ang mga non-medical workers at outsourced personnel kahit pa mga nasa job order basis bastat nakatalaga sa mga health facilities na exposed sa COVID-19.
Bukod sa mga benepisyo dapat regular at libre silang isinasailalim sa COVID-19 testing
sakaling magkasakit at ma confine, libre at sasagutin ng PhilHealth ang kanilang hospitalization.
Sinabi ni Angara aabot sa 51 billion pesos ang inaprubahang pondo para sa COVID-19 risk allowance at compensation ng mga healthcare workers.
Meanne Corvera