Sampung kabataan nailigtas sa Panama sex trafficking operation
Inanunsiyo ng mga awtoridad sa Panama, na bilang bahagi ng isang operasyon para buwagin ang isang sex trafficking ring, 10 kabataan ang nailigtas at tatlo katao ang naaresto sa Panama at Costa Rica.
Ayon kay Emeldo Marquez, isang senior Panamanian prosecutor . . . “The victims in this case range between the ages of four and 16 and the people involved are close relatives.”
Paliwanag niya, ang mga kamag-anak ang nag-asikaso sa pagbiyahe ng mga bata mula sa bayan ng Baru, 525 kilometro sa timogkanluran ng Panama City, patungo sa Costa Rican border.
Sa isang statement ay kinumpirma ng Panamanian prosecutor’s office na ang bilang ng mga batang nailigtas ay sampu.
Nagtulungan ang Panamanian police sa Baru at Costa Rican authorities sa border towns ng Barrio San Jorge at Laurel, para buwagin ang sex trafficking ring at maaresto ang mga suspek.
Ayon kay Marquez, ang mga ito ay mahaharap sa sentensiyang mula 20-30 taong pagkakabilanggo.