Susunod na US envoy sa Pilipinas, pormal nang ni-nominate ni Biden
Pormal nang ni-nominate ni United States President Joe Biden, ang matagal nang diplomat na si MaryKay Loss Carlson bilang susunod na US ambassador sa Pilipinas.
Sa isang pahayag ay sinabi ng White House, na ang nominasyon ni Carlson ay kabilang sa mga ipinadala sa US Senate.
Sa sandaling makumpirma, si Carlson ang susunod na envoy ng Washington sa Maynila, kapalit ni Sung Kim na natapos na ang panunungkulan noong 2020.
Si Carlson ay isang career member ng US senior foreign service at kasalukuyang deputy chief of mission sa US embassy sa Buenos Aires, Argentina.
Isang foreign service officer mula 1985, dati siyang nagtrabaho bilang deputy chief of mission sa New Delhi, India at nagsilbi sa US diplomatic missions sa China, Ukraine, Hong Kong, Mozambique, Kenya at sa Dominican Republic.
Samantala, inanunsiyo rin ng White House na ang US ang magiging host ng Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) summit sa 2023.
Ayon kay Press Secretary Jen Psaki . . . “President Biden and Vice President (Kamala) Harris offered to host APEC next year because of our focus on expanding and deepening economic ties in the region – and we thank our fellow APEC economies for supporting the US offer to host. It is a top priority for the Biden-Harris administration to serve as a strong, reliable partner to APEC economies and identify common ways to unleash economic opportunity, prosperity and growth for us all.”
Binubuo ng 21 mga bansa kabilang ang Pilipinas, ang APEC ay isang inter-governmental organization na may layuning i-promote ang free trade sa Asya-Pasipiko.
Dagdag pa ni Psaki . . . “US officials are working to develop an Indo-Pacific economic framework that will define our shared objectives around issues vital to our future, including trade facilitation, standards for the digital economy and technology, supply chain resiliency, decarbonization and clean energy, infrastructure and worker standards.”