Pagpapakawala ng missiles ng North Korea, kinondena ng US, Japan, at South Korea
Kapwa kinondena ng US, Japan at South Korea ang serye ng ballistic missile launches ng North Korea.
Matapos ang ginawang pagpupulong sa Honolulu, Hawaii ay naglabas ng joint statement sina US Secretary of State Antony Blinken, South Korean Foreign Minister Chung Eui-yong at Japanese Foreign Minister Hayashi Yoshimasa, kung saan tinawag nilang “destabilizing” ang pitong beses na pagpapakawala ng missiles ng NoKor.
Ayon kay Blinken . . . “The DPRK is in a phase of provocation. We continue to work to find ways to hold the DPRK accountable.”
Kaugnay nito ay muling pinagtibay ng tatlong diplomat ang layuning i-denuclearize ang buong Korean Peninsula at ipagpatuloy ang pakikipag-usap sa Pyongyang, dahil sa hindi pagtugon sa panawagan ni US President Joe Biden noong nakaraang taon.
Ayon sa pahayag . . . “The Secretary and Foreign Ministers emphasized they held no hostile intent towards the DPRK and underscored continued openness to meeting the DPRK without preconditions.”