Iba’t ibang grupo ng Health workers, nagsagawa ng kilos protesta
Nagsagawa ng kilos protesta ang iba’t ibang grupo ng health workers mula sa mga pribado at pampublikong ospital sa bansa.
Pangunahing tinututulan nila ang One COVID-19 Allowance kung saan pag iisahin nalang ang mga allowance na tinatanggap ng mga health worker.
Ang OCA ay papalit sa special risk allowance na ibinibigay sa mga health worker.
Pero isasama na rin dito ang risk, meal, transportation, at accommodation allowances na kanilang tinatanggap.
Giit ni Robert Mendoza, National president ng Alliance of Health Workers, hindi makatarungan ang benepisyong ito na mistulang pambabarat sa kanila.
Dalawang taon na aniya ang nangyayaring krisis pangkalusugan na ito pero hanggang ngayon ay hindi parin naibibigay ang mga benepisyo para sa mga health worker.
Binatikos rin nila ang nagpapatuloy na kontraktwalisasyon sa mga health worker sa pampublikong ospital.
Nakilahok rin sa rally ang ilang labor leader gaya ni Elmer Labog ng Kilusang Mayo Uno, para magpahayag ng suporta sa hinaing ng mga health worker.
Madz Moratillo