90 milyong pinoy target mabakunahan ng pamahalaan laban sa COVID-19 bago matapos ang termino ni Pangulong Duterte – Malakanyang
Pipilitin ng pamahalaan na mabakunahan kontra COVID-19 ang 90 milyong pinoy mula sa 110 milyong populasyon ng bansa bago matapos ang termino ni Pangulong Rodrigo Duterte sa June 30, 2022.
Sinabi ni Presidential Spokesman Secretary Karlo Alexi Nograles na nais ng Pangulo na bago siya bumaba sa puwesto ay bakunado na laban sa COVID-19 ang lahat ng mga pinoy.
Inihayag ni Nograles ang 90 milyong bakunadong pinoy ay pasok na sa threshold ng World Health Organization o WHO para makamit ang population immunity laban sa corona virus.
Niliwanag ni Nograles na magpapatuloy ang anti COVID-19 vaccination rollout ng pamahalaan dahil ito lamang ang paraan para matapos na ang pandemya ng COVID-19 sa bansa.
Vic Somintac