Queen Elizabeth II, nagkaroon ng ‘mild’ Covid

In this file photo taken on October 07, 2021 Britain’s Queen Elizabeth II takes part in the launch of the Queen’s Baton Relay for the Birmingham 2022 Commonwealth Games, from the forecourt of Buckingham Palace in London on October 7, 2021.Victoria Jones/POOL/AFP

Nagpositibo si Queen Elizabeth II sa Covid-19 nitong Linggo, nguni’t mild lamang ayon sa kaniyang mga aide.

Sa nilalayong maging pangunahing taon ng Platinum Jubilee celebrations kaugnay ng ika-70 taong pagre-reyna, hindi maganda ang tiyempo ng balita ng pagiging positibo sa virus ng 95-anyos na reyna, na ngayon ay nasa gitna rin ng mga eskandalong kinasasangkutan ng kaniyang mga anak na sina Prince Charles at Prince Andrew.

Hindi rin ito magandang timing para sa gobyerno ng United Kingdom (UK), dahil inaasahang magdedeklara na ng parang pagtatagumpay laban sa pandemya si Prime Minister Boris Johnson, sa pamamagitan ng pag-aanunsiyo tungkol sa pagtatanggal sa natitira pang legal restrictions sa England.

Ang reyna na pinaniniwalaang nabigyan na ng dalawang dose ng bakuna at isang booster shot ay nagpatuloy sa kaniyang in-person audiences sa kastilyo noong isang linggo, subali’t dumaing sa isang attendee doon na nakararanas siya ng paninigas at nakunan ng larawan na may hawak na walking stick.

Batay sa statement ng Buckingham Palace sa anunsiyo ng reyna sa kaniyang unang positive test. . . “Her Majesty is experiencing mild cold-like symptoms but expects to continue light duties at Windsor over the coming week. “She will continue to receive medical attention and will follow all the appropriate guidelines.”

Kalaunan ay isang statement din ang ipinalabas, kung saan ipinaaabot ng reyna ang kaniyang mainit na pagbati sa women’s at men’s curling teams ng Britanya dahil sa pagkakamit ng gold at silver medals sa Beijing Winter Olympics.

Ayon naman sa tweet ni Johnson . . . “I’m sure I speak for everyone in wishing Her Majesty The Queen a swift recovery from Covid and a rapid return to vibrant good health.”

Sa tweet ni Canadian Prime Minister Justin Trudeau ay nakasaad . . . “My thoughts, and the thoughts of millions of Canadians, are with Her Majesty Queen Elizabeth II. We wish for her “fast and full recovery”.

Kabilang sa well-wishers na nagtipon sa labas ng Buckingham Palace sa London, ay ang cancer scientist na si Pasquale Morese.

Aniya . . . “It was sad news. She’s a symbol of the nation. She’s boosted and everything, so she should be alright, hopefully.”

With the infection coming two months before the queen turns 96, royal expert Richard Fitzwilliams said: “There will be concerns because of her age, no doubt about that.

Dahil ang reyna ay nahawa dalawang buwan bago siya mag-96 anyos, sinabi ng royal experts na si Richard Fitzwilliams . . . “There will be concerns because of her age, no doubt about that. But the queen by nature is stoic. I think she’s someone who looks at things in a very, very positive way.”

Sa pangkalahatan, matatag ang lagay ng kalusugan ni Queen Elizabeth II, nguni’t isang hindi maipaliwanag na isyu ang naging sanhi para magpalipas ng magdamag ang reyna sa isang ospital noong nakaraang Oktubre.

Ang mga pagdiriwang sa buong bansa bilang tanda ng kanyang Platinum Jubilee ay gaganapin sa Hunyo, bilang marka ng ika-70 taon sa trono ng reyna noong Pebrero 6.

Ginugol ng reyna ang malaking bahagi ng kaniyang panahon sa Windsor Castle habang umiiral ang pandemya, kung saan kasama niya ang kaunti lamang na bilang household staff sa tinawag na “HMS Bubble.”

Dahil ang Omicron wave ay tila nakontrol na, ang gobyerno ay inaasahang magpapatuloy sa isang anunsyo ngayong Lunes, kung saan aalisin na pandemic legislation sa England.

Sinabi ng maharlikang komentarista na si Alastair Bruce, na hindi nais ng reyna na baguhin ng sinuman ang anumang mga desisyon batay sa kanyang estado ng kalusugan.

Please follow and like us: