Omicron variant hindi mas mabagsik kaysa original strain
Sinabi ng World Health Organization (WHO), na ang BA.2 variant ng Omicron coronavirus strain ay hindi mas mabagsik kaysa orihinal.
Sinabi ni Maria Van Kerkhove, isang senior WHO official, na base sa sample ng mga tao mula sa iba”t-ibang bansa, ay wala silang nakikitang pagkakaiba sa bagsik ng BA.1 kumpara sa BA.2.
Aniya . . . “So this is a similar level of severity as it relates to risk of hospitalization. And this is really important, because in many countries they’ve had a substantial amount of circulation, both of BA.1 and BA.2.”
Si Van Kerkhove, na siyang nangunguna sa technical side ng COVID-19 response team ng WHO, ang nagrereport sa findings ng isang committee experts na sumusubaybay sa ebolusyon ng virus.
Ang kanilang konklusyon ay magpapaginhawa sa mga bansa gaya ng Denmark, kung saan ang BA.2 variant ng Omicron ay malawak ang sirkulasyon.
Sa isang statement ay sinabi ng WHO, na iminumungkahi ng paunang mga datos na ang bagong BA.2 variant ay lumilitaw na higit na nakahahawa kaysa BA.1 at nagpapatuloy pa ang dagdag na mga pag-aaral para alamin kung bakit.
Gayunman ayon sa statement, ang global circulation ng lahat ng variants ay napabalitang bumababa na.
Ang COVID-19 ay pumatay na ng higit 5.8 milyong katao sa buong mundo, nguni’t kung isasama ang iba pang pagkamatay na may kaugnayan sa Covid-19, tinataya ng WHO na ang tunay na bilang ng mga namatay ay maaaring 2-3 ulit na mas mataas pa.
End