Shari’ah Bar Exams isasagawa sa March 20 at 22
Itinakda ng Korte Suprema ang Shari’ah Bar Examinations sa Marso 20 at 22.
Sa bar bulletin na inisyu ng Office of the Bar Confidant, sinabi na isasagawa sa UP Diliman campus ang eksaminasyon.
Ang Shari’ah Bar Exams ay idinadaos kada dalawang taon na sinimulan noong 1983.
Ang mga Shari’ah Law practitioners ay naglilitis ng mga kaso sa mga Shari’ah district at circuit courts na karamihan ay nasa Mindanao.
Ang Shari’ah o Islamic Law ay ang batas na gumagabay sa pamumuhay ng mga Muslim.
Moira Encina
Please follow and like us: