Pakikipaghiwalay sa kanyang long-time coach, inanunsiyo ni Djokovic
Ang hindi magandang simula ng 2022 kay Novak Djokovic, ay nagkaroon ng panibagong twist nitong Miyerkoles nang ihayag ng 20-time Grand Slam champion, na nagkahiwalay na sila ng kaniyang long-time coach na si Marian Vajda pagkatapos ng ATP Finals noong nakaraang taon.
Si Djokovic ay ipinadeport sa bisperas ng Australian Open noong Enero, at nitong Lunes ang kaniyang number one ranking ay napunta na sa Russian player na si Daniil Medvedev.
Ayon sa 34-anyos na si Djokovic . . . “Marian has been by my side during the most important and memorable moments in my career. Together we have achieved some incredible things and I am very grateful for his friendship and dedication over the last 15 years.”.
Ang Slovakian coach ay nakatrabaho ni Djokovic simula pa noong 2006 nang teenager pa lamang ito, bagama’t naghiwalay din sila noong 2017.
Si Vadja ay tumigil na sa pagiging coach ni Djokovic kasunod ng tour finals sa Turin noong November.
Hindi na siya nakitang kasama sa back-room team ni Djokovic sa Melbourne bago ipinadeport ang Serbian player, dahil sa isyu ng kaniyang COVID-19 vaccination status.
Ayon kay Vajda . . . “During my time with Novak, I have been lucky to watch him transform into the player he is today. I will look back on our time together with immense pride.”