‘Tinder Swindler’ na si Simon Leviev idedemanda ng tunay na Leviev diamond family
Idedemanda ng pamilya ng isang Israeli diamond magnate si Simon Leviev, ang subject sa documentary ng Netflix na “The Tinder Swindler,” dahil sa pag-aangkin na isa siya sa miyembro ng pamilya, para makapanloko ng ilang kakabaihan na nami-meet niya sa nabanggit na dating app at makuhaan ng milyun-milyong halaga ng salapi.
Ayon sa isang kaso na inihain sa Tel Aviv Magistrate’s Court sa Israel, inaakusahan ng Leviev family si Simon Leviev — na ang tunay na pangalan ay Shimon Hayut — ng pagpapanggap na anak ni Lev Leviev at pagtanggap ng maraming mga benepisyo (kabilang ang materyal na benepisyo), gamit ang mapanlinlang na mga salita, inaangkin niya na siya ay miyembro ng Levie Family, at ang kaniyang pamilya (Leviev) ang magbabayad at sasagot sa gastusin ng kaniyang mga benepisyo.
Sa isang statement nitong Lunes ay sinabi ni Guy Ophir, family attorney ng pamilya Leviev, na ang nasabing demanda ay simula pa lamang ng marami pang mga demanda.
Ayon sa statement ni Ophir . . . “In the next faze we will file a monetary suit against Simon and any other affiliate that will work with him, including some websites that have Joint ventures with Simon and/or have offered to buy cameos from him. Anyone that will try to capitalize from this scheme will be sued.”
Sa kaniya namang pahayag, ay sinabi ni Chagit Leviev, anak na babae ni Lev Leviev, na ang demanda ang “unang hakbang” upang matiyak na haharapin ni Hayut ang paglilitis at “maipataw ang hatol na nararapat sa kaniya.”
Ayon pa kay Chagit . . . “Shimon Hayut is a fraud who stole our family’s identity and has tried to exploit our good name to con victims out of millions of dollars. He has no relation to the Leviev family and has no affiliation with our company LLD Diamonds. I am relieved that his real identity and actions have been globally exposed, and hopefully this will bring an end to his unscrupulous actions.”
Noong nakaraang buwan, si Hayut ay na-ban sa dating apps gaya ng Tinder at Hinge, makaraang ipalabas noong February 2 ang “The Tinder Swindler,” na ang istorya ay umikot sa tatlong babaeng nabiktima ni Leviev, isang lalaking taga Israeli na na-meet nila ng magkakahiwalay sa pagitan ng 2018 at 2019.