Facebook, multiple media sites partially down sa Russia

(FILES) In this file photo illustration, a smart phone screen displays the logo of Facebook on a Facebook website background, on April 7, 2021, in Arlington, Virginia – Facebook and multiple media websites were partially inaccessible in Russia on March 4, 2022, as authorities crack down on critical voices as fighting escalates in Ukraine. AFP journalists in Moscow were not able to access Facebook, as well as the sites of media outlets Meduza, Deutsche Welle, RFE-RL and the BBC’s Russian-language service. The monitoring NGO GlobalCheck also said the sites were partially down. (Photo by OLIVIER DOULIERY / AFP)

Bahagyang hindi ma-access ang Facebook at multiple media websites sa Russia ngayong Biyernes.

Ayon sa monitoring NGO GlobalCheck, hindi ma-access ng mga mamamahayag sa Moscow ang Facebook, maging ang mga site ng media outlets na Meduza, Deutsche Wele, RFE-RL at ang Russian-language service ng BBC, at partially down din ang mga ito.

Sa kanilang Telegram account, sinabi ng independent outlet na Meduza na ang kanilang site ay hindi na available sa “ilan nilang users” sa Russia, nguni’t hindi sila nakatanggap ng notification mula sa mga awtoridad tungkol sa isang “block.”

Simula nang atakihin ng Moscow ang Ukraine noong nakaraang linggo, pinalakas ng Russian authorities ang pressure laban sa independent media, kahit na ang press freedoms sa bansa ay mabilis ang unti-unting paghina.

Sa unang bahagi ng linggong ito, ipinag-utos ng Russian prosecutor general sa kanilang media watchdog na “higpitan ang access” sa liberal na Ekho Moskvy radio station at sa independent Dozhd TV channel dahil sa pagtanggi ng mga ito na kilalanin ang “official line of war” sa Ukraine.

Ayon sa Kremlin, ang aksiyon sa katabing Ukraine ay isang military operation, at hindi invasion, na nakadisenyo para protektahan ang Russia mula sa “West and Russian speakers’ genocide.”

Dose-dosenang media workers at outlets — kabilang ang Dozhd — ang kamakailan ay itinalaga ng mga awtoridad na “foreign agents.”

Isang terminong may Soviet-era undertones, ang status ay nag-oobliga sa mga binigyan ng ganitong label na ibunyag ang mga pinagmumulan ng kanilang pondo at lagyan ng label ang mga publikasyon — kabilang ang social media posts — ng isang tag o kung hindi ay magmulta.

Ang isang panukalang batas na nagbibigay ng hanggang 15 taon sa bilangguan para sa anumang paglalathala ng “pekeng balita” tungkol sa armadong pwersa ng Russia, ay susuriin sa Duma sa panahon ng isang extraordinary session ngayong Biyernes.

Please follow and like us: