Mga empleyado ng Senado, umaaray na rin sa mataas na presyo ng bilihin at gasolina
Umaaray na rin ang mga empleyado ng Senado sa mataas na presyo ng bilihin at gasolina.
Ayon sa Unyon ng mga manggagawa sa Sandigan ng mga Empleyadong Nagkakaisa sa Adhikain ng Demokratikong Organisasyon o SENADO, nagpadala na sila ng sulat kay Senate president Vicente Sotto IV, sa kanilang apila na pirmado ng walong daang rank and file employees, hiniling nila madagdagan ang kanilang mga benepisyo.
Ito’y para makaagapay sa patuloy na pagtaas ng inflation rate o presyo ng mga bilihin at serbisyo na dulot ng serye ng oil price increase dahil sa krisis sa Russia at Ukraine.
Sinabi ni Rosel Eugenio, Presidente ng Senate employees na mayorya ng kanilang sweldo at mga benepisyo nauuwi lang sa pamasahe, pagkain, bayad sa bahay, kuryente at iba pang gastusin
Hiniling nila na magkaroon ng economic relief para makasabay naman sila disenteng buhay.
Nakikiisa ang grupo sa mga apila na itaas ang minimum wage para sa mga manggagawa dahil hindi na sapat ang kanilang kita sa napakamahal na mga bilihin at serbisyo.
Wala pang sagot si Sotto hinggil dito.
Meanne Corvera