DOH maaaring magbigay na ng fourth COVID vaccine dose sa huling bahagi ng Abril
Sinabi ng isang opisyal ng Department of Health (DOH), na maaaring magbigay na sila ng ika-4 na coronavirus vaccine sa ilang Filipinos sa huling bahagi ng susunod na buwan.
Ayon kay DOH undersecretary Myrna Cabotaje . . . “We will begin this once the EUA (emergency use authorization) and the guidelines are approved. So we’re estimating that maybe we can start in the last week of April.”
Sinabi ni Cabotaje, na inirekomenda ng mga eksperto na bigyan na ng fourth vaccine dose ang “high-risk at vulnerable groups,” na kinabibilangan ng frontline healthcare workers, senior citizens at immunocompromised individuals.
Sa ngayon, nag-apply ang DOH kasama ng Food and Drug Administration (FDA) para sa isang amyenda sa EUA ng piling bakuna na maaaring ibigay bilang fourth dose, o ikalawang booster shot.
Inirekomenda na rin ng mga bansa gaya ng France, Germany at Sweden at maging ng health authorities sa England, ang ika-4 na COVID-19 vaccine dose para sa “most vulnerable,” kabilang ang matatanda na mas mataas ang panganib na magkaroon ng malubhang sakit mula sa COVID-19.
Ang Australia nitong Biyernes, ang pinakabago sa mga bansa na nag-offer ng fourth vaccine dose sa mga edad 65 pataas, dahil sa paglaganap ng isang subvariant ng Omicron sa kanilang populasyon.