MMDA nagbabala sa publiko na huwag mag-iiwan ng rubbing alcohol sa loob ng sasakyan
Nagpaalala ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa publiko na huwag mag-iiwan ng bote ng rubbing alcohol sa loob ng kanilang mga sasakyan na nakapatay ang makina.
Sa advisory ng MMDA, sinabing may posibilidad na sumabog at maging sanhi ng aksidente ang alcohol kapag naiwanan.
Ito ay dahil ang alcohol ay flammable at dahil sa mainit na temperatura sa loob ng sasakyan na lampas sa 30 degree celsius, maaari itong sumabog lalu na ngayong tag-init.
Nauna nang sinabi ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na posibleng makaranas ng temperaturang hanggang 38 degree celsius sa Abril 6 ang Quezon City.