Comelec task force kontra bigay, Nakatanggap na ng dalawang reklamo ng vote buying
May dalawang pormal na reklamo patungkol sa vote buying na ang natanggap ng binuong task Force Kontra Bigay ng Commission on Elections.
Ayon kay Comelec Commissioner George Garcia, ang isa sa reklamo ay inihain ng isang grupo mula sa Quezon City, habang ang isa naman inihain matapos daw mabuo ang nasabing Task Force.
Hindi naman nagbigay ng iba pang impormasyon si Garcia patungkol sa nilalaman ng reklamo.
Tiniyak naman ni Garcia na agad aaksyunan ang mga nasabing reklamo.
Una aniya ay ang paglalabas ng subpoena at pagkatapos ay ang pagsasagawa ng preliminary investigation.
Tiniyak ng opisyal na hindi nila hahayaang maimpluwensyahan sila ng publicity o popularidad sa pagdedesisyon sa mga ito.
Lahat ay ibabatay nila sa mga ebidensyang isinumite sa kanila.
Madz Moratillo